Pahingi ako ng Time Machine.

Kung ako lang ang papipiliin, mas gugustuhin kong manatili nalang na bata. Yun kasi ang mga panahong wala pa akong inaalalang mga problema. Basta meron lang akong laruan at pagkain masaya na ako. Hindi kagaya ngayong tumanda na ako, padami na ng padami ang prinoproblema ko. Ultimo kung ano brand ng shampoo na gagamitin ko o kung with wings or without wings ba ang napkin na gagamitin ko pinag-iisipan ko pa. Habang tumatanda ako mas madami akong inaalala bago ako matulog. Yung feeling ko lahat ng problema nasa akin na. Lahat ng bagay nagiging komplikado.  Mas dumadami ang kinakatakutan ko. Pakiramdam ko sasabog na ako sa sobrang dami ng iniisip ko. Kung pwede lang talaga sana bumalik nalang sa pagkabata. 

I can’t breathe.

Lechugas na sipon yan. Nahihirapan akong huminga tapos ang dry pa ng lalamunan ko. At ang mga linuluto nila dito sa bahay ang sasarap pero walang kwenta dahil wala akong malasahan! Para lang akong kumakain ng tubig. (wow. nakakain na pala ang tubig) Pero nakakaasar talaga. Sa buong magdamag nakaubos na ako ng isang tissue roll. Sana lang talaga gumaling na ako agad. 

"Sana naging clarinet nalang ako."

Ganito kasi yun. Kanina nanood kami ng rehearsal ng orchestra tapos una kong napansin yung clarinet player. Shet. Ampogi. Chinito tapos may salamin. Yung paraan ng pagplay niya ng clarinet nakakabilib din. Bigla ko tuloy nasabi sa katabi ko “Sana naging clarinet nalang ako.” Tapos tawa siya ng tawa. Ang landi ko daw. Oh well, totoo naman kasi! Nakakainggit kaya yung clarinet. :(

guys please, I cannot answer all 0 messages

Ignorance is a bliss.

Para sa akin, hindi kailangan na alam mo ang lahat ng bagay. Dahil mas magandang wala kang alam sa nangyayari. Minsan kasi masyado tayong nangingialam kaya pag nalaman na natin ang totoo mapapasabi nalang tayo ng “Sana hindi ko nalang nalaman.” At doon nalang natin marerealize na mas maganda na hindi nalang natin nalaman ang tungkol don.

Toothbrush.

Ngayon ko lang narealize nakatatlong toothbrush na ako sa isang buwan. Eh pano, palipat lipat ako ng pinagbabakasyunan kaya sa bawat pinupuntahan ko nagpapabili ako ng tooth brush. LOKAA. Pag feel ko din, paiba iba per day. Salit salitan. Nawiwirduhan na nga sila sakin. Bakit daw ako paiba iba ng toothbrush. Oh well.

Pasensiya na pero hindi ako inalagaan ng mga magulang ko for 16 years para lang paglaruan mo.

Para sa lahat ng mga taong hindi ako iniwan sa kabila ng mga kabaliwan ko. Sa totoo lang mahirap talaga ako pakisamahan dahil mabilis akong mairita sa mga bagay bagay. Madalas din ang mood swings ko kaya madalas akong magmura at sumigaw. Bilib talaga ako sa mga nakakatagal sakin. Thank you for putting up with my bullshits. At sa mga magulang at kuya ko na nakakaintindi sa pagiging pasaway at katamaran ko (kahit di niyo to mababasa)   Salamat pa din. Sa mga kaibigan ko.. salamat kasi kahit hindi ko na kayo nakakausap lagi nanjan pa din kayo. Salamat kasi kahit ilang beses ko na kayong minura, sinigawan, kahit lagi akong nagpapalibre (HAHAHA) nanjan pa din kayo. Ang swerte ko talaga sa inyo. At syempre salamat na din sa mga followers ko kahit di ko kayo napapasalamatan eh ramdam na ramdam ko pa din ang presensya niyo(Parang multo lang eh no.) Pero higit sa lahat, gusto ko magpasalamat kay Lord sa pagbibigay sa akin ng mga totoo, mababait, maintinding kaibigan. Salamat. Maraming salamat.

Juantamad!

Ako na siguro ang pinakatamad na bata sa balat ng universe. Mula sa pagkuha ng baso o kaya pagtatapon ng basura madalas kong pinapagawa sa iba. Walang araw na hindi ako sinabihan na tamad ako. Lagi akong naghahanap ng mabilis na paraan para matapos agad ang trabaho. Minsan naman eh dinedelay ko yung mga trabaho ko. Ewan ko nalang talaga kung anong magiging future ko sa lagay na to. Kaya dapat pag laki ko gusto kong mapapangasawa ko eh magaling sa mga  gawaing bahay! (ay ginawang katulong ang asawa..chos!)  Pero sana kahit papano saniban ako ng espiritu ng kasipagan at nang maging productive naman ang buhay ko. 

Motibo.

Kung wala kang balak na seryosohin ang isang tao, wag na wag kang magpapakita ng motibo na gusto mo siya. Wag kang makasarili. Oo maganda siguro sa pakiramdam na minsan eh may nakakaappreciate sayo pero sana naman wag mong abusuhin. Kapag patuloy mo siyang binibigyan ng dahilan para umasa, mas malaki ang chance na sobrang masasaktan siya pag nagsawa ka na. Hindi ko naman sinasabi na bawal maging sweet/ makipaglandian sa isang tao pero sana kung magiging sweet ka sa isang tao, isipin mo kung kaibigan lang ba talaga ang turing mo sa kanya o hindi.